Tayo bilang mga tao ay binigyang biyaya ng Panginoon ng isip upang gamitin, paunlarin at palagananpin. Maraming tanong sa isipan ng bawat isa, mga tanong na nakaka apekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon ng sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay -bagay katulad nalang ng wikang pambansa.
Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaunawaan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar,tribo, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ay nangangahulugang isang Pilipino.
Datapwat hindi natin maikakaila na sa pagdaan ng panahon ay unti-unting nababawasan ang Pabibigay kahalagan sa ating wika, dahil sa patuloy na paglaganap ng impluwensiya sa atin ng iba’t ibang bansa.Nalilimutan nating bigyang pansin ito at nagpapadala sa mga impluwensiya o mga pauso, kung saan madalas hindi natin alam ang kahalagahn nito. Sa larangan ng musika at dula, mga nobela, sa pagkain at pananamit, at kahit sa pananalita, Kitang-kita ang bakas ng mga dayuhan. Nakalulungkot mang isipin, madalas ay mas pinipili pa natin ang kulturang banyaga kaysa sa kultura ng Lupang Sinilangan. Subalit bilang isang mamamayang Pilipino, hindi lamang natin tungkuling payabungin ang ating kultura, sa halip ay utang na loob na rin natin ito sa Inang Bayan na ating pinagmulan at kinagisnan. Kaya ano nga ba ang kahalagahan ng pagkakroon ng iisang wika? Paano natin ito mapagmamalaki sa buong mundo kasabay ang hinaharap na globalisasyon? At paano natin ito magiging sandata upang makamit ang pag babago at kaunlaran?
Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nag kakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin kung saan sumasagisag sa kaisahan ng bansa o pagkakabigkis nito. Kaya dapat lamang natin itong pahalagahan dahil maraming bayani natin ang nakipaglaban at isinugal ang buhay dahil kung sila'y di lumaban hindi natin makakamtam ang pambansang wika, hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag komunikasyon at talastasan ngayon. Masasabing tayo'y maswerte dahil may sarili tayong pagkakakilanlan problema'y di tintangkilik marahil ay tinatanggi nating mga mamamayan. Paano natin maiiwasan ang ganong problema at maipagmalaki ito. An
Ang tanyag na katagang "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” na mula sa ating pambangsang bayani na si Gat. Jose Rizal
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento